Saludo Kami

Mga Pagbabago at Pagrinig ukol sa mga bagay-bagay. Rito ay makikita ang mga aksyon at pagtugon ng Pamahalaang Bayan ng Morong, orgasnisasyon o maging ng mga indibiduwal sa anu mang bagay na nangangailangan ng pagbabago. Ito ay isang pagkilala sa kanilang pagpapahalaga sa kapakanan ng nakararami at sa kanilang pagiging bukas sa komunikasyon. Saludo kami sa inyong mabilis na aksyon at pagtugon!

Tuesday, January 30, 2007

MABUHAY ANG MORONG!!!!!



MABUHAY ANG BAYAN NG MORONG!!! Saludo tayo sa mga taong nasa likod ng paglikha ng official entry na ito sa pa contest ng Unilever, Philippines at sa pagkapanalo ng ating bayan ng 1 milyon. Saludo tayo sa kanila at dahil sa kanilang natatanging kakayahan ay naiiba tayo sa lahat ng ibang bayan. Dahil sa kanila ay sikat na sikat tayo ngayon at tinalo natin ang napakaraming bayan na lumahok rito. Sa lahat ng lumikha ng entry na ito, sa inyo ang aking paghanga at SALUDO KAMI SA INYO!!!!!

Sunday, November 19, 2006



Talagang saludo kami sa mga taong nasa likor ng paggawa ng Opisyal na Lahok ng Bayan ng Morong sa Unilever Contest. Rito ay ipinapakita ang iba't-ibang tradisyon at kaugalian na sadyang rito lamang sa bayan natin makikita. Sa malikhain at magandang pagkakagawa nito gamit ang mga bote ng Ladies' Choice Mayonnaise, saludo kami sa inyong lahat!!!


Thursday, August 10, 2006

Sino ang higit na mas matalino?

Kamakailan ay sinabi kong ang malaking trak ng mga junk ay aking kinunan ng litrato at nailathala ko rito na isa sila sa mga dahilan ng pagkakaroon ng traffic sa Turentigue. Simula po ng aking mailathala iyan ay sa bakanteng lote na sila pumaparada sa tuwing sila ay magpupuno ng trak. Ako'y natutuwa at nasabi kong kapag mayruong pumupuna ay mayruong nagbabago kahit paaano. Ako po ay sumasaludo sa mga hamak na magja junk na ito na kung tutuusin ay higit na mas masunurin kaysa sa mga magtatraysikel na saksakan ng tigas ng ulo. Walang pakialam kung mag double parking sila at makapagpasikip ng trapiko. Ngayon, sino sa kanila ang higit na mas matalino? Maaaring wala, pero higit na mas makatao at may hiya ang mga nagja junk kaysa sa mga magtatraysikel, di po ba? Kung tutuusin ay ang mga iyan ay mga dayuhan na at hindi naman taga rito kumpara sa mga magtatraysikel na rito talaga nakatira. Kailan ba tayo matututo?kailan ba tayo susunor sa mga patakaran para sa ikabubuti ng ating kapuwa at ng mas nakararami? Kung minsan ay yung mga taong wala at hindi mo inaasahang susunor ay siya pang mas mabilis makinig at sumunor kaysa sa mga may pinag aralan na sadyang matitigas ang ulo. Dukha man sila at magja junk lamang ay saludo ako sa kanila dahil tunay silang makatao!

Friday, July 28, 2006

Ang Trak ng mga Junk


Kung nung makalawa lamang ay aking pinuna ang malaking trk ng junk na nakaparada palagi sa Turentigue para ruon mag karga ng mga bakal, yero at plastik, ngayon naman ay nakita ko ulit ito pero ngayon ay maayos na pumarada na sa bakanteng lote sa bandang kanan. Ngayon ay maayos na nakakaraan ang mga sasakyan na pumapasok sa karsadang ito at walang aberya. Matapos itong agsakay ng mga junk at mapuno ay umalis naman kaagar. Saludo kami sa inyo! Mabuti pa ang mga magbabakal at bote at marunong sumunor. Hindi matigas ang ulo. Ngayon ay may nakita na tayong isang benepisyo kapag mayruong pumupuna. Maraming nagiging pagbabago at pagtutuwid sa mga pagkakamali. O, di po ba magandang balita yan? Sana lamang ay lahat ng mga mamayan natin na mapupuna at malalathala rito ay maayos na susunor para sa mas magandang pamayanan at maayos na bayan para sa lahat.

Tuesday, June 20, 2006



Magandang balita na kasalukuyang nagaganap ang construction sa harap ng gym, sa tapat mismo ng UCPB. Balitang ito ay gagawing mga commercial establishments. Managada naman at kaysa ito ay nakatiwangwang lamang, mas makakabuting ayusin nga at nang maganda rin naman sa paningin. On- going na nga ang paggagawa at sana ay matapos na ito kaagar para makita natin kung anong itsura.